Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 94)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 94

قَالُوا يَا ذَا الْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰ أَنْ تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا 94 ٩٤

Nagsabi sila: “O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang saplad?” (94)

Tafsīr
Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog (tumutukoy sila sa dalawang kalipunang malaki kabilang sa mga anak ni Adan) ay mga tagagulo sa lupain dahil sa isinasagawa nila na pagpatay at iba pa. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng yaman para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang pangharang?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba