Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi [si Gabriel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.” (21)
Tafsīr
Nagsabi sa kanya si Anghel Gabriel: "Ang usapin ay gaya ng nabanggit mo na ikaw ay hindi nasaling ng isang asawa ni ng iba pa rito at hindi naging isang mangangalunya, subalit ang Panginoon mo – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi: 'Ang paglikha sa isang batang lalaki nang walang ama ay magaan sa Akin,' at upang ang anak na ipagkakaloob sa iyo ay maging isang palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh at maging isang awa mula sa Kanya para sa iyo at para sa sinumang sumampalataya sa Kanya. Ang paglikha sa anak mong ito ay isang pagtatadhana mula kay Allāh na naitakda, na nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: