Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 29

فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ ۖ قَالُوا كَيْفَ نُكَلِّمُ مَنْ كَانَ فِي الْمَهْدِ صَبِيًّا 29 ٢٩

Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: “Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?” (29)

Tafsīr
Kaya tumuro siya sa anak niyang si Jesus – sumakanya ang pangangalaga – habang ito ay nasa lampin kaya nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagtataka: "Papaano kami mangungusap sa isang paslit samantalang ito ay nasa lampin?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba