Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan. (37)
Tafsīr
Ngunit nagkaiba-iba ang mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pangangalaga – kaya sila ay naging mga lapiang nagkahati-hati kabilang sa mga kababayan niya sapagkat sumampalataya sa kanya ang iba sa kanila at nagsabi: "Siya ay isang sugo" at tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa gaya ng mga Hudyo. Nagpakalabis-labis naman hinggil sa kanya ang mga pangkatin. sapagkat nagsabi ang iba sa kanila: "Siya ay si Allāh" samantalang nagsabi naman ang mga iba pa: "Siya ay anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh para roon. Kaya kapighatian ay ukol sa mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol sa kanya na mga saksi sa sukdulang Araw ng Pagbangon dahil sa naroon na mga masasaksihan, pagtutuos, at parusa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: