Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 74

وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هُمْ أَحْسَنُ أَثَاثًا وَرِئْيًا 74 ٧٤

Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita! (74)

Tafsīr
Anong dami ang mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagatangging sumampalataya na ito na nagmamayabang ng taglay nilang kahigitang materyal. [Ang kalipunang] iyon ay higit na maganda kaysa sa kanila sa mga yaman at higit na maganda sa panlabas na anyo dahil sa kamahalan ng mga kasuutan nila at pagpapakaginhawa ng mga katawan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba