Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita! Maryam 19:74 ⧉
Tafsīr:
Anong dami ang mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagatangging sumampalataya na ito na nagmamayabang ng taglay nilang kahigitang materyal. [Ang kalipunang] iyon ay higit na maganda kaysa sa kanila sa mga yaman at higit na maganda sa panlabas na anyo dahil sa kamahalan ng mga kasuutan nila at pagpapakaginhawa ng mga katawan nila.