Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Maryam — Talata 75 (Tagalog) — Bidyo

Maryam • Talata 75 sa 98 • Tagalog


قُلْ مَنْ كَانَ فِي الضَّلَالَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ الرَّحْمَٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰ إِذَا رَأَوْا مَا يُوعَدُونَ إِمَّا الْعَذَابَ وَإِمَّا السَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضْعَفُ جُنْدًا 75
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig; hanggang sa nang nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa [sa Mundo] at maaaring ang [pagdurusa sa] Huling Sandali ay makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo.” Maryam 19:75
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Ang mga natutuliro sa pagkaligaw nila ay magpapalugit sa kanila ang Napakamaawain hanggang sa madagdagan sila ng pagkaligaw hanggang sa kapag napagmasdan nila ang ipinangangako sa kanila noon na pagdurusang minadali sa Mundo o ipinagpaliban sa Araw ng Pagbangon ay malalaman nila sa sandaling iyon kung sino ang higit na masama sa katayuan at ang higit na kaunti sa tagapag-adya: kung ito ba ay ang pangkat nila o ang pangkat ng mga mananampalataya?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Maryam • Talata 74 Susunod Maryam • Talata 76