Surah Maryam (Maria — مريم) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




19 Maryam(مريم), Talata 75

قُلْ مَنْ كَانَ فِي الضَّلَالَةِ فَلْيَمْدُدْ لَهُ الرَّحْمَٰنُ مَدًّا ۚ حَتَّىٰ إِذَا رَأَوْا مَا يُوعَدُونَ إِمَّا الْعَذَابَ وَإِمَّا السَّاعَةَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضْعَفُ جُنْدًا 75 ٧٥

Sabihin mo: “Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig; hanggang sa nang nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa [sa Mundo] at maaaring ang [pagdurusa sa] Huling Sandali ay makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo.” (75)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Ang mga natutuliro sa pagkaligaw nila ay magpapalugit sa kanila ang Napakamaawain hanggang sa madagdagan sila ng pagkaligaw hanggang sa kapag napagmasdan nila ang ipinangangako sa kanila noon na pagdurusang minadali sa Mundo o ipinagpaliban sa Araw ng Pagbangon ay malalaman nila sa sandaling iyon kung sino ang higit na masama sa katayuan at ang higit na kaunti sa tagapag-adya: kung ito ba ay ang pangkat nila o ang pangkat ng mga mananampalataya?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba