Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan ni ang mga tagapagtambal na may ibaba sa inyo na anumang mabuti mula sa Panginoon ninyo. Si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan. (105)
Tafsīr
Hindi iniibig ng mga tagatangging sumampalataya – maging alin man sila: mga May Kasulatan o mga tagapagtambal – na may ibaba sa inyo na alinmang mabuti mula sa Panginoon ninyo, marami man o kaunti, samantalang si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya na pagkapropeta, pagkakasi, at pananampalataya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may-ari ng kabutihang-loob na sukdulan, kaya walang kabutihang nakakamit ng isa sa mga nilikha malibang mula sa Kanya. Bahagi ng kabutihang-loob Niya ang pagpapadala sa Sugo at ang pagpapababa ng kasulatan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: