Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 108)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 108

أَمْ تُرِيدُونَ أَنْ تَسْأَلُوا رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۗ وَمَنْ يَتَبَدَّلِ الْكُفْرَ بِالْإِيمَانِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ 108 ١٠٨

O nagnanais ba kayong humiling sa Sugo ninyo gaya ng pagkahiling kay Moises bago pa niyan? Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas. (108)

Tafsīr
Hindi bahagi ng nauukol sa inyo, O mga mananampalataya, na humiling kayo sa Sugo ninyo ng hiling ng pagtutol at pang-iinis gaya ng pagkahiling ng mga kalipi ni Moises sa propeta nila bago pa niyan, gaya ng sabi nila (Qur'ān __AYAH_REF_4_153__): "Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan." Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay naligaw nga siya palayo sa gitnang daan, na siyang tuwid na landasin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba