Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 108 sa 286 • Tagalog


أَمْ تُرِيدُونَ أَنْ تَسْأَلُوا رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۗ وَمَنْ يَتَبَدَّلِ الْكُفْرَ بِالْإِيمَانِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ 108
Pagsasalin:
O nagnanais ba kayong humiling sa Sugo ninyo gaya ng pagkahiling kay Moises bago pa niyan? Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas. Al-Baqarah 2:108
Tafsīr:
Hindi bahagi ng nauukol sa inyo, O mga mananampalataya, na humiling kayo sa Sugo ninyo ng hiling ng pagtutol at pang-iinis gaya ng pagkahiling ng mga kalipi ni Moises sa propeta nila bago pa niyan, gaya ng sabi nila (Qur'ān __AYAH_REF_4_153__): "Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan." Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay naligaw nga siya palayo sa gitnang daan, na siyang tuwid na landasin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 107 Susunod Al-Baqarah • Talata 109