Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 107 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 107 sa 286 • Tagalog


أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ 107
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may paghahari sa mga langit at lupa? Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. Al-Baqarah 2:107
Tafsīr:
Nalaman mo nga – o Propeta – na si Allāh ay ang naghahari sa mga langit at lupa. Humahatol Siya ng anumang ninanais Niya kaya nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya, sumasaway Siya sa kanila sa anumang niloob Niya, nagpapasya Siya ng batas na niloob Niya, at nagpapawalang-bisa Siya ng anumang niloob Niya. Walang ukol sa inyo matapos kay Allāh na anumang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo, ni mapag-adya na magtataboy palayo sa inyo ng kapinsalaan, bagkus si Allāh ay ang katangkilik ng lahat ng iyon at ang nakakakaya niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 106 Susunod Al-Baqarah • Talata 108