Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 109 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 109 sa 286 • Tagalog


وَدَّ كَثِيرٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يَرُدُّونَكُمْ مِنْ بَعْدِ إِيمَانِكُمْ كُفَّارًا حَسَدًا مِنْ عِنْدِ أَنْفُسِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْحَقُّ ۖ فَاعْفُوا وَاصْفَحُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 109
Pagsasalin:
Inasam ng marami sa mga May Kasulatan na kung sana magpapanauli sila sa inyo, matapos na ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila matapos na luminaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya magpaumanhin kayo at magpawalang-sala kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Al-Baqarah 2:109
Tafsīr:
Minithi ng marami sa mga Hudyo at mga Kristiyano na magpanauli sila sa inyo, nang matapos ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya gaya noong kayo ay sumasamba pa sa mga diyus-diyusan, dahilan sa inggit na nasa mga sarili nila. Nagmimithi sila niyon matapos na luminaw sa kanila na ang inihatid ng Propeta ay katotohanan mula kay Allāh. Kaya magpaumanhin kayo, O mga mananampalataya, sa mga gawa nila at magpalampas kayo sa kamangmangan nila at kasagwaan ng anumang nasa mga sarili nila hanggang sa dumating ang kahatulan ni Allāh sa kanila. Dumating na ang utos ni Allāh na ito at ang kahatulan Niya sapagkat ang tagatangging sumampalataya ay pinapipili sa pagitan ng pagyakap sa Islām o pagbabayad ng jizyah o pakikipaglaban. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi sila makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 108 Susunod Al-Baqarah • Talata 110