Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa mga puso nila ay may sakit [ng pagdududa], at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng sakit. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling. (10)
Tafsīr
Ang dahilan ay na sa mga puso nila ay may pagdududa, at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng pagdududa sa dating pagdududa nila. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno dahilan sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at laban sa mga tao, at sa pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: