Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 10 sa 286 • Tagalog


فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَهُمُ اللَّهُ مَرَضًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْذِبُونَ 10
Pagsasalin:
Sa mga puso nila ay may sakit [ng pagdududa], at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng sakit. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling. Al-Baqarah 2:10
Tafsīr:
Ang dahilan ay na sa mga puso nila ay may pagdududa, at nagdagdag pa sa kanila si Allāh ng pagdududa sa dating pagdududa nila. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno dahilan sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at laban sa mga tao, at sa pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 9 Susunod Al-Baqarah • Talata 11