Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 9 sa 286 • Tagalog


يُخَادِعُونَ اللَّهَ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَمَا يَخْدَعُونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ 9
Pagsasalin:
Nagtatangka silang mandaya kay Allāh at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman. Al-Baqarah 2:9
Tafsīr:
Naniniwala sila dahil sa kamangmangan nila na sila ay nandaraya kay Allāh at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pananampalataya at pagpapaloob ng kawalang-pananampalataya subalit sila ay hindi nakararamdam niyon dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nakaaalam sa lihim at sa higit na nakakubli. Nagpatalos nga Siya sa mga mananampalataya ng mga katangian ng mga iyon at mga kalagayan ng mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 8 Susunod Al-Baqarah • Talata 10