Mayroon sa mga [mapagpaimbabaw] tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw,” samantalang hindi sila mga mananampalataya. Al-Baqarah 2:8 ⧉
Tafsīr:
Mayroon sa mga tao na isang pangkatin na naghahaka-haka na sila ay mga mananampalataya. Nagsasabi sila niyon sa pamamagitan ng mga dila nila dala ng pangamba para sa mga buhay nila at mga ari-arian nila samantalang sila, sa kaloob-looban, ay mga tagatangging sumampalataya.