Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 111)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 111

وَقَالُوا لَنْ يَدْخُلَ الْجَنَّةَ إِلَّا مَنْ كَانَ هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 111 ١١١

Nagsabi sila: “Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano.” Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.” (111)

Tafsīr
Nagsabi ang bawat pangkat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Tunay na ang Paraiso ay natatangi sa amin." Nagsabi ang mga Hudyo: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Hudyo." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nilang bulaan at mga haka-haka nilang tiwali. Sabihin mo, O Propeta, bilang tugon sa kanila: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa ipinapalagay ninyo kung totoong kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba