Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa anuman,” at nagsabi ang mga Kristiyano: “Ang mga Hudyo ay hindi nakabatay sa anuman,” samantalang sila ay nagbabasa ng Kasulatan. Gayon nagsabi ang mga hindi nakaaalam ng tulad ng sabi nila. Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba. (113)
Tafsīr
Nagsabi ang mga Hudyo: "Ang mga Kristiyano ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon" at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang mga Hudyo ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon." Bawat isa [sa kanila] ay bumibigkas ng pagpapatotoo sa tinanggihang sampalatayanan at ng utos ng pagsampalataya sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi, habang mga nakikiwangis sa gawain nilang ito sa sabi ng mga hindi nakaaalam kabilang sa mga tagapagtambal, nang nagpasinungaling ang mga ito sa mga sugo sa kabuuan ng mga iyon at sa pinababa sa mga iyon na mga kasulatan. Kaya dahil dito, hahatol si Allāh sa pagitan ng mga nagkakasalungatan nang magkasama sa Araw ng Pagbangon ayon sa kahatulan Niyang makatarungan, na ipinabatid Niya sa mga lingkod Niya: na walang pagtamo malibang sa pamamagitan ng pagsampalataya sa lahat ng pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: