Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 114)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 114

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ مَنَعَ مَسَاجِدَ اللَّهِ أَنْ يُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ وَسَعَىٰ فِي خَرَابِهَا ۚ أُولَٰئِكَ مَا كَانَ لَهُمْ أَنْ يَدْخُلُوهَا إِلَّا خَائِفِينَ ۚ لَهُمْ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ 114 ١١٤

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumigil [sa mga tao] sa mga masjid ni Allāh na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya at nagpunyagi sa pagkasira ng mga ito. Ang mga iyon ay hindi ukol sa kanilang pumasok sa mga ito malibang mga nangangamba. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan. (114)

Tafsīr
Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa pumigil na bigkasin ang pangalan ni Allāh sa mga masjid Niya kaya pumigil ito sa pagdarasal, pag-alaala [kay Allāh], at pagbigkas ng Qur'ān sa mga masjid. Nagpupunyagi ito habang nagsisikap na magpadahilan ng pagkasira ng mga ito at panggugulo sa mga ito sa pamamagitan ng pagwasak sa mga ito at pagpigil sa pagsasagawa ng pagsamba sa loob ng mga ito. Ang mga nagsisikap na iyon sa pagsira sa mga ito ay hindi nararapat para sa kanila na pumasok sa mga masjid ni Allāh malibang mga nangangambang kumakabog ang mga puso nila dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa mga masjid ni Allāh. Ukol sa kanila sa buhay na pangmundo ay isang kaabahan at isang panghahamak sa mga kamay ng mga mananampalataya, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa mga masjid ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba