Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (14)
Tafsīr
Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa mga pagkakasala ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para papasukin Niya sa Paraiso dahil sa kabutihang-loob Niya. Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya ayon sa katarungan Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: