Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 14 sa 29 • Tagalog


وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 14
Pagsasalin:
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Fatḥ 48:14
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa mga pagkakasala ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para papasukin Niya sa Paraiso dahil sa kabutihang-loob Niya. Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya ayon sa katarungan Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 13 Susunod Al-Fatḥ • Talata 15