Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam: “Bakit kasi hindi kumakausap sa atin si Allāh o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga bago pa nila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak [sa katotohanan]. (118)
Tafsīr
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal dala ng pagmamatigas sa katotohanan: "Bakit hindi kumakausap sa atin si Allāh nang walang isang tagapagpagitna o may pumupunta sa atin na isang palatandaang pisikal na natatangi sa atin?" Ang tulad sa sabi nilang ito ay sinabi ng mga kalipunang tagapagpasinungaling, bago pa niyan, sa mga sugo ng mga ito, kahit pa man nagkaiba-iba ang mga panahon nila at ang mga pook nila. Nagkawangisan ang mga puso ng mga ito sa mga puso ng mga nauna sa kanila sa kawalang-pananampalataya, pagmamatigas, at pagpapakapalalo. Nagpalinaw nga Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak sa katotohanan. Kapag lumitaw ito sa kanila ay walang dumadapo sa kanila na isang pagdududa at walang pumipigil sa kanila na isang pagmamatigas.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: