Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 13

وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ آمِنُوا كَمَا آمَنَ النَّاسُ قَالُوا أَنُؤْمِنُ كَمَا آمَنَ السُّفَهَاءُ ۗ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ السُّفَهَاءُ وَلَٰكِنْ لَا يَعْلَمُونَ 13 ١٣

Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga [maaayos na] tao” ay nagsasabi sila: “Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?” Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman. (13)

Tafsīr
Kapag inutusan sila ng pagsampalataya gaya ng pagsampalataya ng mga kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sumasagot sila sa paraang patutol at pakutya sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Sasampalataya ba kami gaya ng pananampalataya ng mahihina ang mga pang-unawa?" Ang totoo ay na sila ay ang mga hunghang, subalit sila ay mangmang doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba