Kapag sinabi sa kanila: “Sumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga [maaayos na] tao” ay nagsasabi sila: “Sasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?” Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman. Al-Baqarah 2:13 ⧉
Tafsīr:
Kapag inutusan sila ng pagsampalataya gaya ng pagsampalataya ng mga kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay sumasagot sila sa paraang patutol at pakutya sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Sasampalataya ba kami gaya ng pananampalataya ng mahihina ang mga pang-unawa?" Ang totoo ay na sila ay ang mga hunghang, subalit sila ay mangmang doon.