Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 14 sa 286 • Tagalog


وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا إِلَىٰ شَيَاطِينِهِمْ قَالُوا إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِئُونَ 14
Pagsasalin:
Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami [gaya ninyo],” ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo [na pinuno] nila ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang.” Al-Baqarah 2:14
Tafsīr:
Kapag nagkita-kita sila ng mga mananampalataya ay nagsasabi sila: "Naniwala kami sa sinasampalatayanan ninyo." Nagsasabi sila niyon dala ng pangamba sa mga mananampalataya. Kapag nakalisan sila sa mga mananampalataya tungo sa mga pinuno nila habang mga nakikipagsarilinan sa mga ito ay nagsasabi sila habang nagbibigay-diin sa katatagan nila sa pagsunod nila sa mga ito: "Tunay na kami ay kasama sa inyo sa pamamaraan ninyo, subalit kami ay umaayon sa mga mananampalataya sa panlabas bilang panunuya sa kanila at pangungutya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 13 Susunod Al-Baqarah • Talata 15