Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 15 sa 286 • Tagalog


اللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ 15
Pagsasalin:
Si Allāh ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila. Al-Baqarah 2:15
Tafsīr:
Si Allāh ay nangungutya sa kanila bilang pantapat sa pangungutya nila sa mga mananampalataya, bilang ganti sa kanila na kauri ng gawain nila. Dahil dito, nagpatupad Siya para sa kanila ng mga patakaran sa mga Muslim sa Mundo. Hinggil sa Kabilang-buhay naman, gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapaimbabaw nila. Gayon nagpapalugit Siya sa kanila upang magpatuloy sila sa pagkaligaw nila at pagmamalabis nila para manatili sila na mga nalilitong nag-aatubili.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 14 Susunod Al-Baqarah • Talata 16