Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan nila. Hindi sila noon mga napatnubayan. Al-Baqarah 2:16 ⧉
Tafsīr:
Ang mga mapagpaimbabaw na iyon na mga nailalarawan sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya kaya hindi tumubo ang kalakalan nila dahil sa pagkalugi nila sa pananampalataya kay Allāh. Hindi sila noon mga napatnubayan tungo sa katotohanan.