Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 17 sa 286 • Tagalog


مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ الَّذِي اسْتَوْقَدَ نَارًا فَلَمَّا أَضَاءَتْ مَا حَوْلَهُ ذَهَبَ اللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِي ظُلُمَاتٍ لَا يُبْصِرُونَ 17
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si Allāh sa liwanag nila at nag-iwan Siya sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita. Al-Baqarah 2:17
Tafsīr:
Gumawa si Allāh para sa mga mapagpaimbabaw na ito ng dalawang paghahalintulad: isang paghahalintulad na pang-apoy at isang paghahalintulad na pantubig. Tungkol sa pang-apoy na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng nagpaningas ng apoy upang ipantanglaw ito ngunit noong nagningning ang liwanag nito at nagpalagay siya na siya ay makikinabang sa tanglaw nito ay naapula naman ito. Kaya naglaho ang taglay nitong pagsinag at natira ang taglay nitong pagsunog. Nananatili sila sa mga kadiliman na hindi nakakikita ng anuman at hindi napapatnubayan sa landas.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 16 Susunod Al-Baqarah • Talata 18