Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magsasabi ang mga hunghang kabilang sa mga tao: “Ano ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah nila na sila dati ay nakabatay roon?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.” (142)
Tafsīr
Magsasabi ang mga mangmang na mahihina ang mga pagkaunawa kabilang sa mga Hudyo at sinumang nasa kauri nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Ano ang nagpabaling sa mga Muslim palayo sa qiblah ng Jerusalem na dating qiblah nila noon?" Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng silangan, kanluran, at iba sa dalawang na mga dako. Naghaharap siya sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa alinmang dakong niloob Niya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa isang tuwid na daan, na walang pagkabaluktot doon ni paglihis."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: