Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay nakakikilala rito gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Tunay na may isang pangkat kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanan habang sila ay nakaaalam. (146)
Tafsīr
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan kabilang sa mga maalam ng mga Hudyo at mga Kristiyano ay nakakikilala sa usapin ng paglipat ng qiblah, na kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa ganang kanila, kung papaanong nakakikilala sila sa mga anak nila at nakababatid sa mga ito sa iba pa sa mga ito. Sa kabila niyon, tunay na may isang pangkatin kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanang inihatid niya dala ng pagkainggit mula sa ganang mga sarili nila. Gumagawa sila niyon habang sila ay nakaaalam na iyon ay ang katotohanan
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: