Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 148)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 148

وَلِكُلٍّ وِجْهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَا ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ أَيْنَ مَا تَكُونُوا يَأْتِ بِكُمُ اللَّهُ جَمِيعًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 148 ١٤٨

Bawat [kalipunan] ay may dakong ito ay humaharap doon. Kaya mag-unahan kayo sa mga kabutihan. Saan man kayo naroon ay maghahatid sa inyo si Allāh nang lahatan [para tuusin]. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (148)

Tafsīr
Bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay may dakong hinaharapan ng mga ito pisikal man o espirituwal. Bahagi niyon ang pagkakaiba-iba ng mga kalipunan sa qiblah ng mga ito at sa isinabatas ni Allāh para sa mga ito kaya hindi nakapipinsala ang pagkasarisari ng mga dako nila kung ayon sa utos ni Allāh at batas Niya. Kaya mag-unahan kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga kabutihan na ipinag-utos sa inyong gawin ninyo. Magtitipon sa inyo si Allāh mula sa alinmang pook kayo naroon sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa gawa ninyo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagtipon sa inyo at pagganti sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba