Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 149)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 149

وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ وَإِنَّهُ لَلْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 149 ١٤٩

Mula saan ka man lumabas [para magdasal, O Propeta Muḥammad,] ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Tunay na ito ay talagang ang katotohanan mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. (149)

Tafsīr
Mula sa aling pook ka lumabas at saan ka man naroon, O Propeta, ikaw at ang mga tagasunod mo, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal sapagkat tunay na ito ay ang katotohanang ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakababatid doon at gaganti sa inyo roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba