Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 14

وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا إِلَىٰ شَيَاطِينِهِمْ قَالُوا إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِئُونَ 14 ١٤

Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami [gaya ninyo],” ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo [na pinuno] nila ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang.” (14)

Tafsīr
Kapag nagkita-kita sila ng mga mananampalataya ay nagsasabi sila: "Naniwala kami sa sinasampalatayanan ninyo." Nagsasabi sila niyon dala ng pangamba sa mga mananampalataya. Kapag nakalisan sila sa mga mananampalataya tungo sa mga pinuno nila habang mga nakikipagsarilinan sa mga ito ay nagsasabi sila habang nagbibigay-diin sa katatagan nila sa pagsunod nila sa mga ito: "Tunay na kami ay kasama sa inyo sa pamamaraan ninyo, subalit kami ay umaayon sa mga mananampalataya sa panlabas bilang panunuya sa kanila at pangungutya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba