Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 151)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 151

كَمَا أَرْسَلْنَا فِيكُمْ رَسُولًا مِنْكُمْ يَتْلُو عَلَيْكُمْ آيَاتِنَا وَيُزَكِّيكُمْ وَيُعَلِّمُكُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُعَلِّمُكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ 151 ١٥١

Kung paanong nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugo kabilang sa inyo, na bumigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagbubusilak sa inyo, nagtuturo sa inyo ng Aklat at Karunungan, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman. (151)

Tafsīr
Gaya ng pagbiyaya Namin sa inyo ng iba pang biyaya yayamang nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugong kabilang sa mga sarili ninyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagdadalisay sa inyo sa pamamagitan ng ipinag-uutos niya sa inyo na mga kabutihan at nakabubuti at ng sinasaway niya sa inyo na mga kasamaan at nakasasama, nagtuturo sa inyo ng Qur'ān at Sunnah, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na mga pumapatungkol sa relihiyon ninyo at Mundo ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba