Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 158)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 158

إِنَّ الصَّفَا وَالْمَرْوَةَ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ ۖ فَمَنْ حَجَّ الْبَيْتَ أَوِ اعْتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِ أَنْ يَطَّوَّفَ بِهِمَا ۚ وَمَنْ تَطَوَّعَ خَيْرًا فَإِنَّ اللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ 158 ١٥٨

Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam. (158)

Tafsīr
Tunay na ang dalawang burol na kilala bilang Safá at Marwah malapit sa Ka`bah ay kabilang sa mga hayag na tanda ng Batas ng Islām. Kaya ang sinumang nagsadya sa Bahay [ni Allāh] para sa pagsasagawa ng gawaing-pagsamba ng ḥajj o gawaing-pagsamba ng `umrah ay walang kasalanan sa kanya na magparoon at magparito sa pagitan ng dalawang iyon. Sa pagkakaila ng kasalanan dito ay may kapanatagan para sa sinumang naasiwa kabilang sa mga Muslim sa pagparoon at pagparito sa pagitan ng mga iyon dala ng paniniwalang iyon ay bahagi ng nauukol sa Panahon ng Kamangmangan. Nilinaw nga ni Allāh na iyon ay bahagi ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj. Ang sinumang gumawa ng mga itinuturing na kaibig-ibig gaya ng mga pagtalima bilang nagkukusang-loob sa mga ito habang nagpapakawagas, tunay na si Allāh ay nagpapasalamat sa kanya, tatanggap ng mga iyon mula sa kanya, at gaganti sa kanya sa mga iyon. Si Allāh ay ang maaalam sa sinumang gumagawa ng kabutihan at nagiging karapat-dapat sa gantimpala.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba