Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng ḥajj sa Bahay o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.
Al-Baqarah 2:158 ⧉