Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 159 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 159 sa 286 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنْزَلْنَا مِنَ الْبَيِّنَاتِ وَالْهُدَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا بَيَّنَّاهُ لِلنَّاسِ فِي الْكِتَابِ ۙ أُولَٰئِكَ يَلْعَنُهُمُ اللَّهُ وَيَلْعَنُهُمُ اللَّاعِنُونَ 159
Pagsasalin:
Tunay na ang mga nagtatago ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay at patnubay [tungkol sa Propeta] matapos na naglinaw nito sa Kasulatan, ang mga iyon ay isinusumpa ni Allāh at isinusumpa ng mga tagasumpa. Al-Baqarah 2:159
Tafsīr:
Tunay na ang mga nagkukubli ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay na nagpapatunay sa katapatan ng Propeta at anumang inihatid niya, kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, nang matapos na inihayag siya sa mga kasulatan nila, ang mga iyon ay itataboy ni Allāh mula sa awa Niya at dadalangin laban sa kanila ang mga anghel, ang mga propeta, at ang mga tao na mga magkakasama na itaboy sila mula sa awa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 158 Susunod Al-Baqarah • Talata 160