Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 167)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 167

وَقَالَ الَّذِينَ اتَّبَعُوا لَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَتَبَرَّأَ مِنْهُمْ كَمَا تَبَرَّءُوا مِنَّا ۗ كَذَٰلِكَ يُرِيهِمُ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ حَسَرَاتٍ عَلَيْهِمْ ۖ وَمَا هُمْ بِخَارِجِينَ مِنَ النَّارِ 167 ١٦٧

at nagsabi ang mga sumunod: “Kung sana mayroon kaming isang balik [sa Mundo] para magpawalang-kaugnayan kami sa kanila kung paanong nagpawalang-kaugnayan sila sa amin.” Gayon ipakikita sa kanila ni Allāh ang mga gawa nila bilang mga panghihinayang para sa kanila. Sila ay hindi mga makalalabas mula sa Apoy. (167)

Tafsīr
at nagsabi ang mga mahina at ang mga tagasunod: "Sana mayroon kaming isang pagbabalik sa Mundo para magpawalang-kaugnayan kami sa mga pinuno namin kung nagpawalang-kaugnayan sila sa amin." Kung paanong ipakikita sa kanila ni Allāh ang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay, ipakikita Niya sa kanila ang kahihinatnan ng pagsunod nila sa mga pinuno nila sa kabulaanan bilang mga pagsisisi at mga kalungkutan. Sila ay hindi makalalabas magpakailanman mula sa Apoy.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba