at nagsabi ang mga sumunod: “Kung sana mayroon kaming isang balik [sa Mundo] para magpawalang-kaugnayan kami sa kanila kung paanong nagpawalang-kaugnayan sila sa amin.” Gayon ipakikita sa kanila ni Allāh ang mga gawa nila bilang mga panghihinayang para sa kanila. Sila ay hindi mga makalalabas mula sa Apoy. Al-Baqarah 2:167 ⧉
Tafsīr:
at nagsabi ang mga mahina at ang mga tagasunod: "Sana mayroon kaming isang pagbabalik sa Mundo para magpawalang-kaugnayan kami sa mga pinuno namin kung nagpawalang-kaugnayan sila sa amin." Kung paanong ipakikita sa kanila ni Allāh ang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay, ipakikita Niya sa kanila ang kahihinatnan ng pagsunod nila sa mga pinuno nila sa kabulaanan bilang mga pagsisisi at mga kalungkutan. Sila ay hindi makalalabas magpakailanman mula sa Apoy.