[Banggitin] kapag nagpawalang-kaugnayan ang mga sinunod sa mga sumunod, nakakita sila sa pagdurusa, nagkaputul-putol sa kanila ang mga ugnayan, Al-Baqarah 2:166 ⧉
Tafsīr:
Iyon ay kapag nagpapawalang-kaugnayan na ang mga pinunong sinusunod sa mga mahinang sumunod sa kanila dahil sa nakasasaksi na sila sa mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon at mga kalamidad nito, [kapag] nagkalagut-lagot na sa kanila ang lahat ng mga kaugnayan ng kaligtasan at mga kaparaanan nito,