Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 168 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 168 sa 286 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّاسُ كُلُوا مِمَّا فِي الْأَرْضِ حَلَالًا طَيِّبًا وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ 168
Pagsasalin:
O mga tao, kumain kayo mula sa nasa lupa bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw. Al-Baqarah 2:168
Tafsīr:
O mga tao, kumain kayo mula sa nasa lupa mula sa hayop, halaman, at mga puno, na kabilang sa anumang ang pagtamo niyon ay ipinahihintulot at nakabubuti mismo, hindi masama; at huwag kayong sumunod sa mga tinatahak ng demonyo, na ipinapain niya sa inyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Hindi ipinahihintulot para sa nakapag-uunawa na sumunod sa kaaway niyang nagsisigasig sa pananakit sa kanya at pagkaligaw niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 167 Susunod Al-Baqarah • Talata 169