Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 172)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 172

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ وَاشْكُرُوا لِلَّهِ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ 172 ١٧٢

O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba. (172)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos sa inyo ni Allāh at pinayagan Niya para sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh nang lantaran at patago sa ipinagmabuting-loob Niya sa inyo na mga biyaya. Bahagi ng pagpapasalamat sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay na magsagawa kayo ng pagtalima sa Kanya at umiwas kayo sa pagsuway sa Kanya kung kayo ay totoong sumasamba sa Kanya lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba