O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba. Al-Baqarah 2:172 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos sa inyo ni Allāh at pinayagan Niya para sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh nang lantaran at patago sa ipinagmabuting-loob Niya sa inyo na mga biyaya. Bahagi ng pagpapasalamat sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay na magsagawa kayo ng pagtalima sa Kanya at umiwas kayo sa pagsuway sa Kanya kung kayo ay totoong sumasamba sa Kanya lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.