Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 171 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 171 sa 286 • Tagalog


وَمَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا كَمَثَلِ الَّذِي يَنْعِقُ بِمَا لَا يَسْمَعُ إِلَّا دُعَاءً وَنِدَاءً ۚ صُمٌّ بُكْمٌ عُمْيٌ فَهُمْ لَا يَعْقِلُونَ 171
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya ay gaya ng paghahalintulad sa umuunga sa hindi nakaririnig maliban sa isang tawag at isang panawagan. Mga pipi na mga bingi na mga bulag, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa. Al-Baqarah 2:171
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa pagsunod nila sa mga ninuno nila ay gaya ng pastol na sumisigaw habang nananawagan sa mga hayop niya at nakaririnig naman ang mga ito sa tinig niya ngunit hindi nakauunawa sa sinasabi niya sapagkat sila ay mga bingi sa pagdinig ng katotohanan ayon sa pagdinig na makikinabang sila, na mga pipi na natahimik na ang mga dila nila sa pagbigkas sa katotohanan, na mga bulag sa pagkakita niyon. Dahil dito, hindi sila nakapag-uunawa sa patnubay na nag-aanyaya sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 170 Susunod Al-Baqarah • Talata 172