Surah Al-Baqarah (Ang Baka — البقرة) (Talata 176)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




2 Al-Baqarah(البقرة), Talata 176

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ نَزَّلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ ۗ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِي الْكِتَابِ لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ 176 ١٧٦

Iyon ay dahil si Allāh ay nagbaba ng kasulatan kalakip ng katotohanan. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kasulatan ay talagang nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan]. (176)

Tafsīr
Ang ganting iyon sa pagtatago sa kaalaman at patnubay ay dahilan sa si Allāh ay nagbaba ng mga kasulatang makadiyos kalakip ng katotohanan. Ito ay humihiling na linawin at huwag ilihim. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa mga kasulatang makadiyos sapagkat sumampalataya sila sa isang bahagi ng mga ito at nagtago sa ibang bahagi ng mga ito ay talagang nasa isang panig na malayo sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba