Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 176 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 176 sa 286 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ نَزَّلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ ۗ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِي الْكِتَابِ لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ 176
Pagsasalin:
Iyon ay dahil si Allāh ay nagbaba ng kasulatan kalakip ng katotohanan. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kasulatan ay talagang nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan]. Al-Baqarah 2:176
Tafsīr:
Ang ganting iyon sa pagtatago sa kaalaman at patnubay ay dahilan sa si Allāh ay nagbaba ng mga kasulatang makadiyos kalakip ng katotohanan. Ito ay humihiling na linawin at huwag ilihim. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa mga kasulatang makadiyos sapagkat sumampalataya sila sa isang bahagi ng mga ito at nagtago sa ibang bahagi ng mga ito ay talagang nasa isang panig na malayo sa katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 175 Susunod Al-Baqarah • Talata 177