Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo [sa pananampalataya nila] at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala.
Al-Baqarah 2:177 ⧉