O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang ganting-pinsala kaugnay sa mga pinatay: ang malaya sa malaya, ang alipin sa alipin, at ang babae sa babae; ngunit ang sinumang [nakapatay na] pinagpaumanhinan ng kapatid nito ng anuman ay may pagsunod sa makatuwiran at pagsasagawa roon [sa tagapagmana ng napatay] ng isang pagmamagandang-loob. Iyon ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo at isang awa. Kaya ang sinumang nangaway matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit.
Al-Baqarah 2:178 ⧉