Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 175 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 175 sa 286 • Tagalog


أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ وَالْعَذَابَ بِالْمَغْفِرَةِ ۚ فَمَا أَصْبَرَهُمْ عَلَى النَّارِ 175
Pagsasalin:
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay at ng pagdurusa kapalit ng kapatawaran. Kaya anong mapagtiis nila sa Apoy! Al-Baqarah 2:175
Tafsīr:
Ang mga nailalarawang iyon ng pagtatago ng kaalaman na kinakailangan ng mga tao ay ang mga nagpalit ng kaligawan sa patnubay noong itinago nila ang kaalamang totoo at ipinagpalit sa parusa ni Allāh ang kapatawaran Niya. Kaya anong mapagtiis nila sa paggawa ng ikadadahilan para sa kanila ng pagpasok sa Apoy. Para bang sila ay hindi pumapansin sa nasa loob niyon na pagdurusa dahil sa pagtitiis nila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 174 Susunod Al-Baqarah • Talata 176